11

Mar 26, 2020 @ 13:42
By

Angara tinamaan din ng COVID-19

Maging si Senador Sonny Angara ay tinamaan din ng coronavirus, kinumpirma niya ito nitong Huwebes, March 26.

Ayon kay Angara, nakaramdam siya ng ilang sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnay, ubo, sakit ng ulo at panghihina.

“I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headaches and general weakness. I have not been in contact with the public since taking the test last March 16,” ayon sa senador.

“Let us continue to support all efforts to fight the further spread of the virus. Let us support our frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort.”

Si Angara na ang ikatlong senador na nagpositibo sa nasabing sakit.

Matatandaan na unang inanunsyo ni Senador Migs Zubiri na siya’y positibo sa COVID-19 noon pang March 16, sumunod naman si Senador Koko Pimentel na nalaman ang resulta sa loob ng Makati Medical Center noong March 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?