68

Mar 26, 2020 @ 13:55
By

Ang sahol! Mga lumalabas sa Muslim Town pinagpapalo ng pulis

“Lahat ng lalabas nang walang oras, babarilin na!” – ang maririnig na sambit ng nakaunipormeng lalaki sa mga tao sa paligid ng Muslim Town o Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.

Sa video na tinweet ni ABS-CBN reporter Zhander Cayabyab, Marso 26, 2020, makikita sa bandang dulo na pinagpapalo nang ilang beses ang isang matanda at pinagmumura.

Sabi sa ulat, pinagpapalo ang mga lumalabas sa Muslim Town kahit pa nagpakita na ng quarantine pass ang mga ito.

Nanggalaiti naman ang mga netizen at giniit na parusahan ang umano’y pulis.

May mga tinawag pa ang pansin ng Commission on Human Rights, at ni Manila Mayor Isko Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?