235

By

Ang Probinsyano Party-list hindi kukunsintihin ang sangganong kongresista

MANILA – Nangako ang pamunuan ng Ang Probinsyano party-list na hindi nila kukunsintihin ang mala-sangganong asal ng isa sa dalawa nitong kongresista matapos ireklamo dahil sa panununtok ng isang waiter sa Lungsod ng Legazpi noong Linggo.

Ayon sa tigapagsalita ng grupo na si Atty. Joco Sabio, hindi sila mag-aatubuling suspendihin si Ang Probinsyano party-list Cong. Alfred delos Santos kung mapapatunayang inabuso niya ang kanyang katayuan matapos makunan ng CCTV ang kanyang pagsuntok sa waiter ng Biggs Diner na si Christian Kent Alejo.

“Definitely we will not tolerate any kind of abuse in our party. We will not hesitate to suspend or even remove Congressman Delos Santos if we establish that this was an unprovoked attack,” saad ni Sabio.

“I would like to make it very clear however that Rep. Delos Santos is our nominee but he is not the entire representation of the Ang Probinsyano Partylist. His actions and his decisions are his own and should not reflect on Ang Probinsyano as a party and as an organization,” paliwanag pa ni Sabio.

Aminado si Sabio na dismay ang kanilang grupo dahil sa kinasangkutang gulo ni delos Santos at gumagawa na sila ng patas na imbestigasyon sa nangyaring insidente noong Hulyo 7.

Ayon kay Sabio, gumagawa na ng mga hakbang ang pamunuan ng kanilang organisasyon ubang hindi na muling maulit ang kontrobersya na kina sangkutan ng kanilang kongresista.

“Just like everyone else, the party is concerned and really disappointed with what happened. We are not taking this sitting down and we are taking all the necessary steps to make sure that this will not happen again in the future,” dagdag pa ni Sabio.

Hiling naman ni Sabio na bigyan din ng pagkakataon si delos Santos na ma-i-ere ang kanyang panig bago husgahan ng publiko.

“Despite all the flak that our party is getting because of this incident, we will still accord Rep. Delos Santos the right to due process.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?