55

Feb 4, 2020 @ 20:02
By

Ang lamig! Temperatura sa Metro Manila bagsak sa 18.5°C

Bumaba pa sa 18.5 degrees Celsius nitong Martes, Pebrero 4 ang temperatura sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, nai-record ang temperatura alas-6:30 ng umaga.

Sa kabila nito, bigla itong tumaas sa 30 degrees Celsius ng ala-1:50 ng hapon.

Naitala ang pinakamababang temperatura nitong buwan sa La Trinidad, Benguet sa 6.3 degrees Celsius habang 10.6 degrees Celsius naman sa Baguio City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?