154
Andy Ruiz pinataob si 'undefeated' Anthony Joshua
By

Andy Ruiz pinataob si ‘undefeated’ Anthony Joshua

Hindi inaasahan ng karamihan ang naging resulta ng laban nina undefeated heavyweight champion Anthony Joshua at ng challenger na si Andy Ruiz Jr.

Naging dominante si Ruiz sa naturang laban kung saan napatumba nito si Joshua ng dalawang beses sa ika-3 round at dalawang beses ulit sa ika-7 round hanggang sa tapusin na ng referee na si Mike Griffin ang laban.

6 weeks lamang ang naging paghahanda ni Ruiz sa naturang laban matapos na palitan ang nag-withdraw na si Jarrell Miller.

Sinunggaban ni Ruiz ang oportunidad at nakagawa nga ito ng kasaysayan sa boksing at nagwagi ng WBA/IBF/WBO/IBO Championships.

Si Ruiz ang kauna-unahang Mexiacn heavyweight na nagwagi ng heavy weight title.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?