42

Andy, Jamie tambal sa Citi Open

Magtatambal sa Citi Open sa Washington ang magkapatid na sina Andy at Jamie Murray na sisimulan sa Sabado.

Nag-post si Andy ng video sa kanyang Twitter (@andy_murray) tungkol rito at sinabing “obviously, very excited to be on court with him and also to go back in Washington.”

“It’s a city I’ve always enjoyed visiting so it should be fun. I’m hoping to have a good summer over in the States, keep progressing physically and hopefully get back on the singles court soon.”

Matatandaan na nagtamo si Andy ng hip injury na rason kung bakit limitado ang kanyang paglalaro.

Sumailalim si three-time Grand Slam champion Andy sa hip surgery noong Enero matapos ang kanyang partisipasyon sa Australian Open.

Matapos ang surgery, lumaro si Andy ng tatlong doubles event kung saan wagi ito sa Queen’s Club 2019 doubles kasama si Feliciano Lopez. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?