969

By

Andrea Torres panibagong biktima? Derek pumalag sa basher

Sinagot ni Derek Ramsay ang patutsada ng isang netizen tungkol sa pagkakaroon niya ng panibagong relasyon kay Kapuso actress Andrea Torres.

Nitong October 16 nag-post sa Instagram si Derek ng picture nila ni Andrea na nagki-kiss.

Ilan sa mga follower ni Derek ang kinilig at binati ang dalawa pero may ilan din na nagsabi na isa lang si Andrea sa mga babaeng paaasahin ni Derek dahil magiging single ang aktor forever.

Sabi pa ng netizen na si lermzmd, magiging masaya siya kapag nakita nang ikasal si Derek at pina-follow na niya ito noong si Angelica Panganiban pa ang karelasyon ng aktor.

Pero dismayado aniya siya dahil parang naglalaro lang si Derek na unfair sa mga babaeng nakakarelasyon nito kaya binalaan niya si Andrea.

“@andreaetorres ur just one of them. If u noticed he never settles down. He will be single forever until he gets old. And he will get every woman he wants. So we’re sorry ur the flavor of the whatever how much time he wants to keep u until he sees another one he likes. I used to admire him,” sabi ng netizen.

“@lyon.kiara I wld love so much to see him get married with the real love of his life. I’m just disappointed, I followed him since Angelica panganiban. Di pa kasama yung ibang last nia before that ha? I lost track counting. He’s living his life. He seems happy. I don’t question that. But it’s not fair to women either. Well he treated them so well no doubt. No bad words. But it doesn’t work, it doesn’t. Right? What can we do?” dagdag pa niya.

Nireplayan ito ni Derek at sinabing parang nanghuhusga agad ang naturang netizen dahil hindi naman nito alam ang nangyari sa mga past relationship ng aktor at siya ang sinisisi sa lahat.

“@lermzmd mam you talk like you know what happened in my relationships. Ive been in only a few relationships that lasted many years. Its sad that they ended but you seem to put all the blame on me. Learn to give respect and never assume. Your negativity isnt appreciated but ill respect your opinion,” sabi ni Derek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?