518

Feb 13, 2020 @ 12:27
By

Andrea pinahagulgol ni Derek

Araw ng mga Puso ngunit pinaiyak ni Derek Ramsay ang kanyang dyowa na si Andrea Torres.

Ngunit hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya.

Sa vlog ng dalawa sa Youtube channel na ‘Andrek Vlogs’, pinakita ni Derek kung paano siya nag-effort na sopresahin ang seksi Kapuso actress sa una nilang Valentines Day together.

Ayon kay Derek, nagkaroon sila ng away ni Andrea sa papalapit na Araw ng mga Puso, kaya naman nakaisip ito ng dahilan para makabawi dito.

Pag-akyat ni Andrea sa rooftop ay tumambad sa kanya ang set-up na may ilaw, flowers at initials ng kanilang pangalan ni Derek habang tumutugtog ang ‘Panalangin’.

Paglabas ni Derek dala ang bouquet ng bulaklak ay napaluha na ito dahil sa saya.

Panuorin ang buong video dito, na kailangan ding abangan dahil may Part 2 pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?