76

By

Andrea, Derek pinag-uusapan na ang kasal

Hindi kasama ni Andrea Torres sa premiere night ng pelikulang “Cara X Jagger” ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay.

Blooming si Andrea matapos ang bakasyon nila ng kanyang boyfie sa ibang bansa.

Marami na raw nagagawa ngayon si Andrea simula nang maging boyfriend niya si Derek.

Maaga pa raw para magpakasal sila pero napapag-usapan na nila ito.

“Basta pinag-uusapan namin. Siyempre ‘yun naman ang goal lagi, ‘di ba? Pero, hindi muna,” aniya.

Sa ngayon ay happy and relax daw ang relasyon nila ni Derek at walang away.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?