499

Andrea Brillantes at Francine Diaz, kaabang-abang sa bagong teleserye

Sina Andrea Brillantes at Francine Diaz ang magkasamang kikinang tuwing hapon sa ‘Kadenang Ginto’.

Sampung taong gulang pa lamang ay bumida na sa kanyang unang teleserye si Andrea na “Annaliza,” kung saan napansin ang taglay niyang galing sa pag-arte. Dahil sa naturang role, nakilala bilang teleserye princess si Andrea at napanalunan ang Best Child Performer Award mula sa PMPC Star Awards for Television noong 2013.

Napabilang din siya sa “E-boy,” “Hawak Kamay,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Pangako Sa ‘Yo,” “A Love to Last,” “Goin’ Bulilit” at napanood sa ilang episodes ng “Maalaala Mo Kaya” at “Wansapanataym.”

Samantala, baguhan naman sa industriya si Francine ngunit nagpakitang gilas na bilang bilang batang Erich Gonzales sa “Be My Lady” at batang Kim Chiu sa “Ikaw Lang Ang Iibigin.”

Bukod pa riyan, nagkaroon na rin siya ng roles sa “Maalaala Mo Kaya,” “Ipaglaban Mo” at “The Blood Sisters.”

Salpukan naman sa aktingan ang dapat na abangan sa “Kadenang Ginto,” kung saan gagampanan nina Andrea at Francine ang dalawang batang magkukumpitensya sa lahat ng bagay.

Gagampanan ni Andrea si Margaret, ang anak ni Daniela (Dimples Romana) na sanay na nakukuha ang luho at labis ang pagmamahal sa ina. Mapapanood naman si Francine bilang si Cassandra, na lumaking matulungin, mabait, at masunurin sa pangangalaga ng inang si Romina (Beauty Gonzalez).

Sa pagtira nilang lahat sa bahay ni Robert (Albert Martinez) – ang ama ni Daniela at ang asawa naman ni Cassandra – iigting ang inggit ni Margaret kay Cassandra at susubuking agawin ang lahat mula dito, pati na ang atensyon at pagmamahal ni Robert.

Abangan sina Andrea at Francine sa Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?