39

Apr 4, 2019 @ 20:49
By

Andaya: P83.9B sa 2019 national budget, ni-realign ng Senado

Inilahad ni House Committee on Appropriations chair Rolando Andaya Jr., na ni-realign ng mga senador ang P83.9 bilyon sa naratipikahang 2019 national budget.

Ani Andaya, ito umano ay para sa mga pet program at project ng ilang departamento at ahensiya kahit pa naratipikahan na ito ng dalawang kapulungan.

“The Senate made similar adjustments after ratification of the bicam report and increased by P83.9 billion the allocation for their pet programs and projects under various departments and agencies,” saad ni Andaya.

Ang naturang adjustments umano ay ipinadala sa House appropriations committee ng mga miyembro ng Legislative Budget Research and Monitoring Office ng Senado tatlong araw matapos maratipikahan ng Kongreso ang 2019 budget.

Pinakamalaki umano rito ang napunta sa Department of Public Works and Highways na P26 billion para sa infrastructure projects.

Sinundan ito ng Department of Health na nakatanggap ng dagdag na P17 billion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?