246

By

Anak ni Terrence Jones may dugong Filipino

Kamakailan nang ipasyal ni TNT import Terrence Jones ang anak niya sa Intramuros, Maynila para aniya malaman nito ang Philippine history.

Nang maglaro ito bilang import sa PBA Commissioner’s Cup, bitbit niya sa Pilipinas ang anak na si Ajani, na may dugo umanong Filipino dahil sa lola nito sa tuhod.

Masaya aniya ang dating NBA player na nadala niya ang 8-anyos na anak para maranasan ang kultura ng mga Filipino.

Sa kasalukuyan, nangunguna sa PBA standings ang koponan niyang KaTropa na may twice to beat advantage sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?