770

By

Anak ni Ronnie Dayan, pinapaaresto

RP

Nag-utos ang korte ng Quezon City na arestuhin ang anak ni Ronnie Dayan, ang dating driver at umano’y bagman ni Senadora Leila de Lima.

Ito ay dahil hindi ito dumalo sa hearing para sa mga kaso kontra kay de Lima matapos itong hainan ng summons.

Ang warrant of arrest ay inisyu ng Quezon City Metropolitan Trial Court para kay Hannah May Dayan.

Sa naging hearing, ipinakita ng legal counsel ni Hannah May na si Atty. Heidi Soriano ang medical certificate na buntis ang kanyang kliyente at nasa hindi maayos na kondisyon para tumestigo.

Hindi umano notarisado ang medical certificate na pinakita ni Soriano kaya’t hindi ito tinanggap ng korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?