4,128

By

Anak ni Iya na si Primo, na-diagnose na may HFM disease

Humingi ng dasal sa mga netizen si Iya Villania para sa kanilang anak ni Drew Arellano na si Primo.

Na-diagnose kasi si Primo na may hand, foot, and mouth disease.

“Prayers please for Team A as kuya Primo has HFMD,” sabi ni Iya sa Instagram Story.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang HFMD o Hand, Foot, Mouth Disease ay isang viral na sakit na karaniwan sa mga sanggol at batang nag-eedad 5 pababa.

Kabilang sa sintomas nito ang mataas na lagnat, mouth sores at skin rash.

“Happy that he’s still in high spirits but I’m hoping the rashes don’t get too bad. Doc says they multiply as days go by. So, hopefully he doesn’t get hit too hard ‘coz the ones that have already shown up look so sore,” ani Iya sa update sa health ni Primo.

Nangangamba din si Iya na baka nahawaan ni Primo ang kapatid nitong baby na si Leon Arellano.

“Also, my other concern… Baby Bro. Lord, pls protect my family. Praying Kuya Primo will recover fast and that baby bro won’t catch it. I feel so bad for both! For Primo, of course, ‘coz of how painful the wounds are, and for Leon naman because he’s been having to wait while I attend to his poor kuya. How to be in two places at one time?” post pa ni Iya.

Samantala, pinayuhan ni Iya ang mga magulang na gaya niya na siguruhing malusog at walang sakit ang mga anak kapag naglalaro sa enclosed play areas, hindi lang para sa kapakanan ng ibang bata kundi maging ng sariling anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?