585

By

Anak ni Daryl Ong damay sa galit ng mga fan ni Darren Espanto

“I started a joke but the joke was on me.”

Mukhang ito ang nangyari kay Daryl Ong na matapos nitong makisawsaw sa isyu kina Darren Espanto at JK Labajo ay sa kanya bumalik ang anuman na naging saloobin niya.

Ayon nga sa mga netizen lalo na ‘yung mga supporter ni Darren, a form of bullying daw ang pinost ng Kapamilya singer. Pinalalabas daw nito na parang pinaaamin niya si Darren sa kung anuman ang totoong pagkatao nito kahit wala siyang binabanggit na pangalan.

Kahit pa nga raw wala siyang intensiyon, pero sarado ang utak ng mga netizen at binigyan ng ibang kahulugan ang pagiging concern niya, kaya, tinalakan siya ng mga fan.

Kung ano-ano tuloy ang cat calls na ginawa sa kanya katulad ng user siya, nakikiride-on lamang para magkaroon ng article, na isa rin siyang insecure at selosong tao.

Sa huling tweet nga ni Daryl, pati raw ay anak niya ay nadadamay na sa isyu.

Well, sad for him.

Ayon kasi sa ibang netizen, wala sa timing ang pagbibigay niya ng opinyon na pagkahaba-haba pa. Mataas pa ang emosyon ng mga faney kaya malabo pa talagang maintindihan siya ng mga ito.

Well, lesson learned ito para sa kanya na patuloy pa ring sumasagot sa mga namba-bash sa kanya.

Well….

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?