75

Mar 30, 2020 @ 21:29
By

Anak ni Caloocan City Mayor Malapitan positibo sa COVID-19

Positibo sa coronavirus disease 2019 ang anak ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na si City Councilor Enteng Malapitan.

“Ikinalulungkot kong ipagbigay alam na ako’y nasuring positibo sa COVID-19,” sabi ng konsehal sa kanyang Facebook post.

Naka-quarantine na ang konsehal at kanyang pamilya na nanawagan na sa mga nakasalamuha nito simula Marso 15 para mag-self quarantine rin.

“Tanggap ko na kasama sa ating paninilbihan ang posibilidad na maaari kong makuha ang iniiwasang sakuna dulot ng tuluy-tuloy na pakikipagsalamuha sa ating mga kababayan. Bago pa man din naisagawa ang COVID test sa akin ay naisagawa ko na ang physical distancing sa aking mga nakasalamuha. Ganun pa man, hinihikayat ko pa rin kayong lahat na aking nakasalamuha mula March 15, 2020 na mag-self-quarantine upang maiwasan ang hawaan.”

Sinuguro rin ng konsehal na nasa maayos ang kondisyon nito at ng kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?