28

Amo lumusong sa baha para iligtas ang alaga

Hindi na nagdalawang-isip ang lalaking si Manuel Calderon ng nahulog sa baha ang kanyang aso sa distrito ng San Miguelito sa Panama. Isang malakas na bagyo ang nagdulot sa pag-apaw ng Sinai river.

Makikita sa footage ang 35-taon na si Calderon na tumalon sa umaagos na tubig para sagipin ang kanyang aso na nadala sa kasalukuyang tubig.

Isang puting aso ang nag-atubiling kung tatawid ba siya sa baha at nasa kabilang panig ang kanyang amo na naghihintay sa kanya.

Inisip ng amo ng asong si Fulo, na tindero ng gulay, na makakatawid ito ng walang kahirap hirap. Ngunit tinangay ito ng tubig ng pagtapak niya sa daan. Agad na nag-dive si Calderon para iligtas si Fulo. Makikita sa video ang paghabol niya sa aso at pagbalik nito sa lupa.

“I was focused on the dog. And thank God I managed to grab him… I threw him onto the bank and got out some metres later,” kwento ni Calderon sa lokal na news.

Sa kabila ng pagka-delikado ng ginawa nito ay hindi na siya nag dalawang isip sa pagtalon sa tubig.

“An animal, just for being an animal, does not deserve to be disregarded, because it is a life after all. I ask you to take care of them because they also have feelings,” sabi pa nito.

Ayon sa mga ulat ng lokal media reports, inabandona si Calderon ng kanyang mga magulang nang siya ay lumalaki. Dahilan sa grabeng attachment niya sa kanyang mga alaga.

Sa huli ay sinali si Calderon sa Department of Animal Welfare, ayon sa mayor ng bayan na si Hector Valdes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?