240

Feb 18, 2020 @ 14:48
By

America’s Got Talent, cooking show ang laban?

Hindi matanggap ng mga fan ng AGT finalist na si Marcelito Pomoy na hindi ito ang tinanghal na grandwinner ng America’s Got Talent.

Cooking show umano ang naganap na competition.

Nag-trending sa Twitter ang hashtag na #justiceformarcelito dahil sa hindi patas na judgement ng hurado na si Simon Cowell.

Sey ng mga netizen, malinaw sa final performance ni Marcelito na deserving siya sa titulo.

May mga nagsabi pa na manipulated na ang show at predicted na kung sino ang magwawagi.

Ipinost pa ng ilang netizen ang larawan ni Simon habang nagkokomento sa performance ni Marcelito.

Parehas umano kasi ang suot dito ni Simon at ang mga audience na nasa likod niya gayong finals at semi-finals noong panahong ‘yon.

Komento ni @Dhada Martinez: “AGT is a big fake competition. Everything is already planned like who will be in and the winner on the finals. Simon is a big manipulative robber. Take a look at the photos. He doesnt want Marcelito to win just like Angelica, 4th impact, Alisah.”

Sa semifinals ng kompetisyon, sinabi ni Simon na wala nang sorpresa at dapat pang abangan nang kantahin niya ang “Con Te Partiro”. Kaya naman dapat siyang sumugal sa isang kanta na magpapanalo sa kanya sa grand finals.

Sa vlog ng singer, sinabi niya na ang music team ni Simon ang namili ng kakantahin niya at hindi siya sigurado kung ito ang magpapanalo sa kanya.

Subalit sa mismong finals ay hindi pa rin nagustuhan ng hurado ang kantang siya mismo ang nagbigay.

Ani Simon, “You should have done something less predictable.”

Dito na naintriga ang mga netizen na tila cooking show ang nagaganap dahil predictable ang kantang siya naman mismo ang nagbigay.

Komento ng isang netizen, “Simon Cowell decided for the song, better next time don’t decide for it if you plan to sabotage.”

Sa grand finals, kinanta ni Pomoy ang “We Are the Champion”, subalit bumagsak lamang siya sa ikaapat na puwesto.

Ang V Unbeatable ang tinanghal na America’s Got Talent: Season 2 champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?