1,055

By

Ambulansya hinarang ng traffic enforcer, pasyenteng sakay namatay

Isang ambulansya sa Cagayan de Oro ang naabala ang biyahe habang may sakay na pasyente dahil sinita ng traffic enforcer matapos itong mag-counter flow.

Sa report ng ‘Saksi’ sa GMA, makikita na nakikipagtalo ang driver ng ambulansya at traffic enforcer dahil sa violation gayong may ihahatid ito sa ospital sa kahirapang huminga.

Ilang minuto rin tumagal ang paliwanagan, naidala pa ang pasyente sa ospital ng buhay ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Sa dati ring report ng GMA News kung saan nakapanayam si Metro Manila Development Authority Celine Pialago, maaaring mag-counter flow o i-override ang mga traffic regulations ng mga ambulansya lalo’t buhay ang nakataya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?