239
Ama nagbigti sa harap ng 6-anyos na anak
By

Ama nagbigti sa harap ng 6-anyos na anak

Nagsisisigaw sa labis na takot at umiiyak ang anim na taong gulang na batang babae nang makitang nagbigti ang kaniyang tatay sa kanilang tahahan sa Novaliches Quezon City.

Batay sa pahayag ng anak ng biktima kay P/Corporal Rodney Bay-os, imbestigador ng CIDU-QCPD, alas-6:50 ng gabi ng Abril 10 ay narinig niyang nagsisigaw at pumapalahaw ng iyak ang kaniyang nakababatang kapatid mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Dahil dito ay umakyat sa 2nd floor ang anak subalit halos matulala umano siya nang makitang nakabigti sa kisame ang kanilang ama.

Agad niyang tinawag and kaniyang lolo at pinagtulungan nilang ibaba sa pagkakabigti ang ama mula sa kisame at nang malamang puminpintig pa ang pulso nito ay isinugod nila sa Novaliches District Hospital subalit binawian din ng buhay dakong alas-7:58 ng gabi, ayon sa attending physician na si Dr. Clein Acosta.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ng pamilya ang nangyaring insidente dahil kumbinsido silang sadyang nagpakamatay ang biktima subalit hindi na nila idinetalye ang dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?