50
doa

Ama na sinunog ang anak, nag-suicide sa kulungan

Natagpuang patay at nakabitin ang isang ama sa loob ng selda nitong Miyerkoles sa Davao City.

Ayon sa ulat, nakulong noong Marso 19 si Randy Nueva Cadiente dahil sa pagsunog hanggang sa mamatay sa anak nitong 3-anyos ng nakaraang buwan.

Sinampahan siya ng kasong parricide sa Office of the City Prosecutor dahil sa ginawang krimen sa anak.

Dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang makita si Cadiente na nakasabit sa railings sa selda gamit ang bandage.

Ini-report ang insidente ni PO1 Karlo Luigi Mendoza na siyang duty officer noon.

Nadala pa sa Southern Philippine Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?