30

By

Alyssa Valdez may fund raising

Nanawagan sa social media si volleyball phenom Alyssa Valdez sa mga donasyon para mga nabiktima sa pagputok ng Bulkang Taal.

Kasama ang grupong Volleyball Community Gives Back Philippines, hangad ng mga ito na magsagawa ng relief operations sa mga taga-Agoncillo at Cuenca sa Batangas.

“Hi Family and Friends, the @VCGBph is mobilizing relief operations for Agoncillo and Cuenca, Batangas.” tweet ni Valdez na isang certified Batanguena.

“You may send donations such as food, water, hygenic supplies, clothes/blankets, and fever medicine. You may dropoff your donations at the Parking Area of RONAC LIVING GALLERY, Shaw Boulevard starting today until Thursday evening, 8:30pm. #VolleyballCommunityGivesBack.”

Sa ngayon, nakataas pa sa Alert Level 4 ang probinsya ng Batangas at nagdeklara na ng state of calamity sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?