61

By

Alyssa, Michele haharabas sa Creamline Cool Smashers

Tuloy pa rin ang pagrereyna ng Creamline Cool Smashers papasok sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

Hindi man nasungkit ang nakaraang Reinforced Conference at nagtapos lang bilang mga runner up, tiyak naman na hindi na paawat ang mga ito sa pamumuno ni volleyball phenom Alyssa Valdez.

Full force pa rin ang panig ng Cool Smashers kasama sina Jema Galanza, Jia Morado, Michele Gumabao, Risa Sato, Melissa Gohing at Pau Soriano.

Mapa-opensa o depensa, lalo pang paghuhusayan ng Creamline para mapanatili ang korona sa kanilang panig katuwang din ang iba pang solid players sa kanilang line-up.

Masusubukan ang tibay ng Creamline Cool Smashers sa opening day ng Open Conference sa Agosto 11 kontra Philippine Air Force Jet Spikers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?