71
Alvarez nabuwisit sa tagal ng proklamasyon sa Davao del Norte

Alvarez nabuwisit sa tagal ng proklamasyon sa Davao del Norte

Isang komprontasyon ang sumiklab nitong Martes sa pagitan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at ng Commission on Elections provincial election supervisor dahil sa pagkaantala sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Ito umano ay dahil sa depektibong tatlong SD cards.

Dumating si Alvarez sa Sangguniang Panlalawigan Legislative Building pasado alas-11 ng umaga para tingnan ang ginaganap na canvassing pero nagulat siya na walang tao sa naturang hall.

Inatasan niya ang election staff na hanapin si Aimee Ampoloquio, chair ng Provincial Board of Canvassers, na nagdeklara ng recess alas-10:00 ng umaga habang hinihintay ang ma-reconfigure ang SD cards mula Comelec Davao.

Dito nabuwisit si Alvarez at nag-demand kay Ampoloquio ng paliwanag.

Inaya ni Ampoloquio si Alvarez na pag-usapan ang isyu sa conference room na tumagal ng 20 minuto bago nag-walkout ang huli.

Kasalukuyang nangunguna si Alvarez laban kay Davao del Norte Governor Anthony del Rosario sa 1st district congressional race.

Mayroon siyang 163,150 votes kumpara sa 67,791 votes ni Del Rosario, batay sa partial at unofficial results.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?