20

By ,

Altas repeat champs ng NCAA Season 94

Sharing is caring!

Nasungkit ng University of Perpetual Help System Dalta Altas ang kanilang back-to-back championship title sa men’s volleyball ng NCAA Season 94 nang pabagsakin nila sa Game 2 ang College of Saint Benilde Blazers 23-25, 25-17, 25-1,7, 25-23 Biyernes sa The Arena sa San Juan City.

Ito na ang ika-12 titulo ng Perpetual sa NCAA, pangalawa sila sa may pinakamaraming titulo sunod sa Letran na may 14.

Parehong uhaw sa panalo ang tropa kaya’t agarang nagpakitang-gilas ang mga ito pero mas nanaig ang mga taga-Las Piñas.

“Actually we don’t think about that, hindi namin iniisip na masu-sweep namin we just tell our players and coaches to perform well, kung anong pinaghirapan namin noon. Kasi if case iisipin namin yun magkakaroon kami ng maraming lapses,” sabi ni Perpetual coach Sammy Acaylar.

Dinomina ng mga bata ni Acaylar ang dalawang sets ng laro pero pagpasok ng fourth set ay nag-iba ng ikot ng bola nang makabawi at makahabol ang Blazers para sa 7-0 run.

Naging pamatay sunog ang atake ni Ridzuan Muhali na muling nagpaangat sa tropa, 21-17 pero dalawang sunod na errors din ang tinala nito na nagpataas sa kumpiyansa ng Benilde na maipwersa pa sa isang decider ang laban.

Lumaban nang husto ang Benilde at sa nagawa pang maibaba sa isa ang lamang ng Perpetual 24-23 sa tulong ng down the line attack ni Ronley Adviento at sa huling play si Joebert Almodiel ang nagbigay ng kampeonato sa tropa.

“Sinasabihan ko lang ‘yung mga teammate ko na compose lang, huwag nating hayaan na tayo ang magkamali hayaan natin ang kalaban ang magkakamali. Kasi konti na lang makukuha na natin ‘yung pinaghirapan natin,” sabi ni Almodiel na pumoste ng 19 na puntos, sa likod ng 17 na kills.

Bukod kay Almodiel, bumakas din para sa tropa si Ridzuan Muhali na may 19 na puntos din habang may tig-siyam na puntos naman sina Patrick Ramos at Ronniel Rosales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?