188
Alok na trabaho ni Binay, tinanggihan ni Trillanes
By

Alok na trabaho ni Binay, tinanggihan ni Trillanes

Hindi tinanggap ni Senador Antonio Trillanes IV ang alok ni Senadora Nancy Binay na pwede itong magturo sa University of Makati kapag tapos na ang kanyang termino.

Ani Trillanes, kahit sinsero ang alok ni Binay, pakiramdam niya’y hindi pa nakakalimutan sa Makati ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa mga diumano’y anomalya sa mga proyekto ng lungsod ni dating Vice President Jejomar Binay.

Dagdag pa ng outgoing senator, tatlong beses na silang nakapag-usap ni Binay ukol dito kung saan nakapagpaliwanagan na sila hinggil sa mga pag-iimbestiga sa ama at kapatid ng senadora.

“It was a sincere offer kung gusto ko raw magturo sa University of Makati. I was very appreciative of that offer and she was really nice about it. ‘Yun lang, kasi siyempre baka malalim pa ‘yung sugat doon. I respectfully decline,” saad ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?