29
Almodiel ‘nabusog’ sa sermon ng coach, nahirang na Season 94 MVP
By ,

Almodiel ‘nabusog’ sa sermon ng coach, nahirang na Season 94 MVP

Hindi inaasahan ni NCAA Most Valuable Player (MVP) Joebert Almodiel na makukuha niya ang highest individual plum dahil mas tutok umano siya sa kampeonato.

Sa post-game interview kay Almodiel, sinabi nitong hindi niya inaasahang makakapag-uwi siya ng kahit anong award sa pagpasok ng Season 94.

“Nung simula pa lang talaga ng Season 94, I never expect na magkaka-award ako kasi ang pino-focus ko lang is maglaro. Para sa akin, host tayo tapos matatalo tayo (kaya) ang ginawa ko lang is maglalaro lang ako (at) tutulong ako sa teammates ko,” sabi ni Almodiel, na tinaghal din na Finals MVP.

“Para makuha namin ‘yung goal namin, ito nag-champion kami at nagpapasalamat din ako sa mga coaches namin. Sobrang disiplina talaga namin.”

Binati rin ni Altas coach Sammy Acaylar ang ginawa ni Almodiel para sa kanilang tropa at proud na proud si Sammy dito.

Sinabi rin nito na talagang binakbakan niya si Almodiel sa training at mga salita mula ng ma-sprain ito at madagdagan ang taba at hanga siya dito dahil kaya nitong tumanggap ng pagkakamali.

“Marunong siyang tumanngap ng mga negatibong sinasabi pero alam nila kapag ako nagsalita ng negatibo that is challenge for them. That is why ganito ngayon siya,” ani Acaylar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?