30

By

Almazan sasalang pa rin sa Game 5

Habang inaakala ng marami na ‘di makakalaro si Meralco bigman Raymond Almazan dahil sa natamong lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod, sinorpresa niya ang lahat at naging starting five sa krusyal na Game 4 ng PBA Governor’s Cup Finals best of seven kontra Barangay Ginebra San Miguel nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

“I want to finish the series,” anang sentro ng Bolts, kung saan halos kinumpleto ang first quarter bago na lang pinahinga ni coach Norman Black na sinamantala ng Gin Kings upang makalayo sa laban at itala ang 3-1 abante sa serye.

Masama ang naging pagbagsak ni Almazan sa hardcourt Game 3 first frame at ‘di na nga n nakabalik pa sa laro upang agawin ng Gin Kings ang ikalawang panalo sa serye.

Dinagdag ni Almazan na determinatdo siyang tapusin ang serye para tulungang makabawi ang Bolts sa malalim na pagkakaiwan kontra Gins at saka na lang sasailalim sa operasyon sa kanyang tuhod tapos ng serye.

Sinabi ni Meralco Team Manager Paolo Trillo na isang game time decision ang paggamit kay Almazan sa Game 4 kung saan determinado itong makatulong kaya uminom na lang muna ng gamot pantanggal kirot, na gagawin ulit mamayang alas-siete nang gabi sa Game 5 sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?