164

Mar 8, 2020 @ 18:16
By

All-female group sumusubok bumuo ng bakuna vs. COVID-19

Tatlo na ang posibleng bakuna kontra coronavirus na nabuo ng isang all-female scientist team sa Maryland, United States.

Gayunman, kailangan pa nila itong idaan sa marami pang pagsusuri.

Sa ngayon, nasa phase 2 na ang Novavax vaccine lab sa Gaithersburg City. Ibig sabihin, tini-test na ang mga bakuna sa mga hayop. Kapag gumana ito, tutuloy na sa dalawa hanggang tatlong phase na isusubok naman ito sa mga tao.

Sakaling magtagumpay at maibenta, magandang mensahe ang mapararating nito sa mundo, ayon sa lider ng all-female team.

“Well, that’s encouraging for young girls to be a scientist. You know, I’m a woman and that’s really encouragement to see that somebody, women, brought the vaccine to the market. That’s awesome,” hayag ni Novavax vaccine development and antibody discovery director Nita Patel, sa ulat ng WJLA-TV.

Enero 10, 2020 pa umano sinimulan ang pagsubok na bumuo ng bakuna laban sa COVID-19, at hindi pa sinasara ang lab hanggang ngayong Marso.

“Our goal is to show the vaccine could work, it’s safe and try to make literally make billions of doses. So, that’s the aspiration,” sambit ni Dr. Gregory Mark Glenn, Novavax research and development president, sa naturang ulat.

“Maybe in a year to 18 months, one might actually be deployable,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?