91
Alkalde ng Bansalan, Davao del Sur, suspendido
By

Alkalde ng Bansalan, Davao del Sur, suspendido

Sinuspinde si Quirina Sarte, akalde ng bayan ng Basalan, Davao del Sur matapos na ipagamit umano nito nang libre ang municipal gymnasium sa isang sports club.

Nagmatigas at tumanggi si Sarte noong nakaraang linggo nang pababain ito sa pwesto ng Ombudsman at patawan ng anim na buwang suspensiyon.

Kinuwestiyon pa nito ang kapangyarihan ng ahensya na patawan siya ng suspension ngayong panahon ng eleksyon.

Matatandaang naglabas noong Marso 11 ang Ombudsman ng memorandum order kung saan ay nakasaad ang suspension ni Sarte dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Itinalaga naman ng DILG bilang acting mayor ang bise alkalde na si Edwin Reyes, makakalaban ni Sarte sa pagka-Alkalde sa darating na eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?