103
tim-cone
By

Alipores ni Cone kulang sa ensayo

Kinalawang ang Ginebra, sa unang salang sa Honda PBA Commissioner’s Cup ay isinuko ang 108-89 loss sa Rain or Shine Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pagkatapos matalo sa limang laro sa San Miguel Beer sa semifinals ng nakaraang Philippine Cup, mukhang hindi pa bumabalik ang angas ng crowd darlings.

Sinabihan nga raw ni coach Tim Cone ang players niyang mag-ensayo pa.

“We need to pick it up, so that’s why sabi niya (Cone) we need to practice more,” lahad ni Ginebra big man Japeth Aguilar pagkatapos ng tambakang talo.

Laban sa Painters, 36 of 90 lang mula sa field ang Gins, 4 for 24 lang sa labas ng arc at 13 ang naipasok sa 24 na biyahe sa free throw line.

May 28 points at 12 rebounds si Aguilar, pero ang import nilang si Charles Garcia ay halatang hindi pa 100 percent na nailalabas ang laro na may 19 points sa 8 of 18 shooting, may eight assists pero naka-six rebounds lang.

Malaking bagay sa import-laden conference ang dominasyon sa ilalim ng reinforcement. Pero hindi pa raw magamay ni Garcia ang sobrang init ng panahon sa bansa, Sabado lang siya nakapag-practice nang buo kasama ng Gins.

“Great effort on him (Garcia) coming here in the Philippines,” dagdag ni Aguilar. “Naga-adjust pa siya sa weather, and then he picked it up this game.”

Wala pa rin sa Gin Kings ang higanteng si Greg Slaughter at si Art dela Cruz na parehong injured, kaya outmanned ang team ni Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?