13
Alinsunurin bagong coach ng national men’s volley
By ,

Alinsunurin bagong coach ng national men’s volley

Sharing is caring!

Si National University men’s volleyball head coach Dante Alinsunurin ang bagong head coach ng national men’s volleyball team na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin dito sa Maynila sa Nobyembre.

Sa balita ng Volleyverse.com, mismong ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. ang nagpangalan kay Alinsunurin bilang bagong mentor ng tropa sa unang araw ng tryouts para sa National Team sa University of the East gym.

Pinangunahan ni Alinsunurin ang tatlong UAAP titles para sa Bulldogs (Season 75, 76 at 80) at siya rin ang nag-coach sa Team Pilipinas-NU nang masungkit nito ang gintong medalya sa 2018 ASEAN University Games.

Makakasama sa coaching staff ni Alinsunurin sina Dong Dela Cruz at Fritz Michael Ramirez.

Sa unang araw ng tryouts ay ilan sa mga kilalang pangalan na sumabak na noon sa 2017 SEA Games sina John Vic De Guzman, Mark Alfafara, Bryan Bagunas, Geuel Asia at Greg Dolor.

May kabuuang 70 manlalaro ang lumahok sa tryouts, 29 sa seniors squad at 41 na manlalaro naman ang sumabak sa U-23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?