3,788
Alindog ni Angelica, umapaw sa Bora
By

Alindog ni Angelica, umapaw sa Bora

Hindi na kailangang mag-bikini ni Angelica Panganiban para palitawin ang kanyang kaseksihan.

Sa bagong Instagram post ng Kapamilya actress, siksik liglig ang alindog nito sa wet look habang ninanamnam ang init at tubig-alat ng Boracay.

“Realizing you are now toxic free,” saad sa caption ni Angelica.

Marami naman ang pumuri sa natural sexiness ng aktres at ang iba pa ay nagtataka kung bakit iniiwan ito ng mga lalaki.

“Ang ganda mo sobraaa! Hindi ka dapat niloloko, minamahal ka Iloveyou Angge!” ayon kay relynmae.

“Jusko! ang ganda ganda ng sinasayang nyong lahat!!!! pag yung susunod na jowa mo lokohin ka pa, putrages papakulam ko na talaga! kaya humanda sila!!!” giit naman ni renzie22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?