44

By

Alimango naibenta ng P2.3M sa auction

Tumataginting na 5 million yen o mahigit P2.3 milyon naibenta ang isang buhay na alimango na nagtitimbang ng 1.24 kilograms sa isang palengke sa western Japan noong Nov. 7.

Ang high-end snow crab na may 14.6cm shell ay nahuli sa Sea of Japan ng Tottori prefecture, isang lugar sa Japan na kilala sa mga mamahaling snow crabs.

Binili ang naturang alimango ng Kanemasa-Hamashita, isang tindahan sa siyudad ng Tottori.

Plano nilang ibenta ito sa isang Japanese restaurant sa Ginza district sa Tokyo, ayon sa Kyodo News.

Bumasag ito ng record sa Guinness World Records bilang “most expensive crab sold at an auction”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?