195

By

Alice Dixson nag-swimming sa New Clark City

Naghasik ng kaseksihan si Alice Dixson sa Olympic-sized pool na lalaruan ng mga atleta sa 30th Southeast Asian Games.

Sa kanyang Youtube vlog, game na nag-swimming ang magandang aktres sa Aquatics Center sa New Clark City.

Kita ang magandang hubog ng katawan ni Dixson na nag-bathing suit sa kanyang paglangoy sa SEA Games venue.

Binisita din ng dating ‘Dyesebel’ ang Athletes’ Village kung saan tutuloy ang mga atleta, na binida ang bagong facility na Olympic-grade din.

Pinuri ng aktres ang New Clark City dahil sa mga facility nito na swak sa mga atleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?