25

By

Alfred ni Batman, mala-James Bond sa ‘Pennyworth’

Maghanda na ang mga Batman fan sa makikita nilang bagong personalidad ng kilalang butler ni Batman na si Alfred Pennyworth.

Sa upcoming series na “Pennyworth” – prequel ng Gotham – ginampanan ni Jack Bannon ang 26-anyos na si Alfred.

Makikita kung paano ang buhay noon ni Alfred bago nakilala ni Thomas Wayne, na tatay ni Bruce Wayne (Batman).

Batay sa nilabas na trailer ng “Pennyworth”, makikita ang pakikipag-party nito sa mga go-go dancer, nakikipag-sex at laging nakikipagrambulan.

Dati siyang SAS soldier na nagtrabaho bilang bouncer sa isang London nightclub pero may sarili siyang security business.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?