156

Mar 24, 2020 @ 18:47
By

Alex Gonzaga namigay ng relief goods sa mga apektado ng quarantine

Nagtulong-tulong si Alex Gonzaga at isang grupo ng mga volunteer para mamahagi ng mga relief goods sa mga lubhang apektado ng enhanced community quarantine.

Sinimulan ito ni Alex sa mga pamilya sa Barangay Sta. Ana sa Taytay, Rizal noong March 23.

Humingi naman ng paumanhin si Alex sa lahat na hindi nabigyan ng relief goods.

“Sana makatulong ito kahit paano sa mga mabibigyan,” aniya sa Twitter post.

Kabilang sa laman ng relief goods ay dalawang de-lata, gatas, tinapay, distilled water, alcohol at face mask, batay sa Instagram Story ni Alex.

Tumulong sa pagre-repack ang mga magulang ni Alex.

“Thank you sa Team Gonzaga Taytay Chapter for helping us repack! Kahit hindi nila kasama family nila pamilya parin naman kami dito sa bahay at ang reyna namin ay si Pinty!” biro ni Alex.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?