997
Alex Gonzaga at Xian Lim magtatambal sa pelikula ni Toni
By

Alex Gonzaga at Xian Lim magtatambal sa pelikula ni Toni

May bagong love team na aabangan sa “adult romance comedy” na ipo-produce ni Toni Gonzaga.

Sa panayam kay Toni sa ABS-CBN report, gumugulong na ang movie na pagsasamahan nina Alex Gonzaga at Xian Lim na ipapalabas aniya ngayong taon.

Ididirek ito ni RC delos Reyes na may working title na “Love the Way You Lie”.

Ipo-produce umano ito ni Toni under her film outfit na TinCan sa collaboration sa Viva Films.

Unang movie na inihandog ng TinCan production ang “Mary, Marry Me” na ipinalabas noong 2018 Metro Manila Film Festival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?