80

By

Alex Diaz dumami ang mga project matapos magladlad

Kasabay ng pagbubunyag ni Alex Diaz na siya’y bisexual ay ang pagbubukas din ng mga bagong oportunidad para sa kanya.

Ito’y kasunod ng akusahan siya ng isang fitness coach ukol sa indecent proposal.

Sa kanyang Twitter, nilahad ni Diaz na magaan na ang kanyang kalooban ngayong wala na siyang kailangang itago.

“Crazy how my anxiety creeps sometimes and then I remember I have nothing to hide anymore, haha,” saad ng aktor.

“[A]lso crazy how after coming out I gained 4 projects. Literally living my dreams and everything is exactly as it should be in my head,” aniya pa.

Pansamantalang umalis muna ng bansa si Diaz para makasama ang kanyang pamilya sa Canada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?