1,229
Alejano humingi ng clearance sa PCG para makatungo ng Scarborough
By

Alejano humingi ng clearance sa PCG para makatungo ng Scarborough

Pormal na humingi ng permiso si senatorial candidate Gary Alejano sa Philippine Coast Guard (PCG) para makapunta ng Scarborough Shoal ang Otso Diretso.

Ipinakita ni Alejano sa press conference sa Quezon City nitong Lunes ang kopya ng kanyang sulat kay PCG commandant Admiral Elson Hermogino.

Naunang sinabi ng mga kandidato ng Otso Diretso na hindi binigyan ng Coast Guard ang mga boat owner ng permit kung mayroon ang mga ito ng recording equipment sa nirentahang bangka at nagbabala pa umano na kukumpiskahin ang mga equipment.

Itinanggi naman ito ng PCG at sinabing, papayagan ang Otso Diretso kung nagsabi sila dahil hindi naman aniya kailangan ng permit doon sa Scarborough Shoal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?