30

By

Alec Baldwin gaganap na tatay ni Batman

Kilala siya bilang “Donald Trump” sa comedy show na “Saturday Night Live”, pero nakatakdang gumanap si Alec Baldwin bilang ama ni Batman, na isang mayamang negosyante na si Thomas Wayne.

Ito ay sa ilalabas na pelikulang “Joker” sa Oktubre 2019.

Tungkol ito sa pinagmulan ng numero unong kalaban ni Batman na si Joker.

Samantala, magiging love interest ni Joker (gagampanan ni Joaquin Phoenix) dito si Zazie Beetz. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?