297

By

Alden pinabayaan ng alalay sa Canada

Aba hindi lang si Maine Mendoza ang iniwan ni Alden Richards sa biyahe niya papuntang Toronto, Canada at New Jersey kungdi maging ang personal assistant niyang si Mama Ten na mas kilala ngayon sa TV bilang Kendoll, huh!

Yes, naiwan si Ten dito dahil hindi niya puwedeng iwan ang joke segment ng Eat Bulaga kung saan executive assistant ni Boss Madame (Ryza Mae Dizon) ang papel niya, huh!

Wala namang isyu kay Alden ang pagiging TV personality na ng assistant niya. Suportado nga niya ito pero biro niya sa isang interview, basta sa kanya ang talent fee niya, huh!

Ilan sa makakasama ni Alden sa Sikat Ka Kapuso shows ay sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Betong Sumaya at iba pa. From Toronto and New Jersey, lilipad siya sa New York para mag-sit in sa acting classes ni Anthony Bova at siyempre, rarampa na rin sa The Big Apple, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?