29

By

Alden, may napupusuan nang babae

Malaki ang pasasalamat ni Alden Richards sa GMA dahil lagi itong nakasuporta sa mga goal niya sa buhay.

Matapos ang “Victor Magtanggol”, muling mapapanood sa primetime series si Alden sa upcoming teleserye na “The Gift”.

Pero sa kabila ng kanyang busy schedule, mayroon pa ring oras sa pag-ibig si Alden.

Sa ngayon umano ay may tinatarget na si Alden pero hindi nito binanggit kung sino ang babae.

“Ngayon may ina-eye. Andito po. Taga-dito po. Basta taga-dito po,” sabi ni Alden sa Manila Bulletin report.

Itinanggi naman ni Alden na ang nali-link sa kanyang si Miss Universe Catriona Gray ang kanyang minamataan.

Magugunitang naiugnay si Alden kay Catriona dahil madalas nitong i-like ang mga Instagram post ng beauty queen.

“What’s not to like? Of course, she’s Miss Universe. I heard she’s a good person and I look forward to meeting her,” paliwanag ni Alden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?