141

Alden gusto pa ring makasama sina Janine, Andrea

Nang dahil sa Victor Magtanggol, pakiramdam daw ni Alden Richards ay lumaki ang sense of responsibility niya.

Aniya, “Every taping, hindi lang ako nagpupunta roon para mag-taping, pero nagpupunta ako roon para magbigay ng motivation, alagaan ko ‘yung mga kasama ko sa set. Kahit puyat na kami or way past na of our working hours, meron pa rin silang makuhang motivation from me para maging positive pa rin ang kalabasan ng trabaho.”

Masaya raw si Alden sa whole run ng Victor Magtanggol na nagsilbing comeback niya sa teleserye. At the same time, first title role rin niya.

“Very much at masaya po ako sa kinalabasan ng story, characterization at naging inspiration po ang show ng maraming kabataan,” sabi ng aktor.

Obviously, sobrang nag-enjoy si Alden lalo na nga sa mga naging co-stars niya tulad nina Janine Gutierrez, Andrea Torres, na kung posible raw talaga, gusto raw niya na ang mga ito pa rin ang kasama niya sa susunod niyang show.

Aminado si Alden na nalungkot siya na kailangan na nilang i-end ang Victor Magtanggol, pero kung babalikan naman daw kasi talaga niya, umpisa pa lang, may inilatag ng run talaga ang serye and in fact, nag-extend pa sila ng ilang linggo for a season run.

So it means, walang katotohanan ang mga ibinabato ng mga detractor niya at detractors na rin ng network na kesyo na-cut short ang Victor Magtanggol. No wonder na way ahead pa, nakapagplano na nga si Alden ng two weeks Christmas vacation niya.

Bukod pa sa may iba pa siyang pagkakaabalahan na ayaw pang i-reveal kung ano. Nakangiting sabi niya, “Marami po, pero saka ko na lang po sasabihin.” (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?