56

By

Albayalde opisyal nang nagretiro sa PNP

Opisyal nang retirado sa serbisyo si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde nitong Biyernes, Nob. 8 matapos tumuntong sa mandatory retirement age na 56.

Sa kabila nito, hindi siya nag-avail ng retirement honors.

“Wala nang retirement honors sa kadahilanang ito ay optional lang. Hindi na nag-avail si General Albayalde,” saad ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac.

Kadalasang isinasagawa nang sabay ang retirement honors sa turnover rites ng bagong PNP chief.

Wala pang itinalagang bagong hepe ng pambansang pulisya si Pangulong Rodrigo Duterte habang sinusulat ito.

Sentro ng kontrobersiya si Albayalde dahil sa pagkakasangkot nito sa mga “ninja cop”. Nag-resign siya noong October 14 bago pa man ang nakatakda niyang pagreretiro.

Sa kabila ng mga alegasyon, mae-enjoy pa rin ni Albayalde ang monetary benefits ng pagiging four-star general at iba pang benepisyo ng kanyang pagreretiro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?