41

By

Alaska malas, Manuel pahinga nang matagal

Sa pagsisimula ng parating na season para sa Alaska Aces, isang manlalaro ang kanilang mami-miss sa unang bugso ng PBA.

Hindi makalalaro ang isa sa Best Player of the Conference leading player noong nakaraang season na si ‘The Muscle Man’ Vic Manuel.

Ito’y dahil sa iniindang injury sa bandang likod kaya’t mababakante sa buong Philippine Cup sa 44th season.

Bukod pa kay Manuel, magagarahe din sina Simon Enciso nang anim na linggo matapos ang operahan sa tuhod, gayundin si Sonny Thoss at Jvee Casio na na-injure din.

Ito’y inilahad ng Alaska head coach Alex Compton na dumiretso sa Media Day kahit kalalapag lang ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Si Manuel ay naging instrumento upang makatungtong ang Aces sa finals ng 2018 Governor’s Cup, na kahit may injury ay pinilit makalaro para makuha ang asam na tropeo ngunit nabigo kontra Magnolia Hotsots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?