92

By

Alaska coach Cariaso gustong kunin si Slaughter

Bagay ba sa Alaska Aces ang top center sa PBA na si Greg Slaughter?

Nagsimula ang usapan matapos i-tweet ni Snow Badua na swak ang laro ni Slaughter sa mga Milkmen, na aniya’y namamayagpag sa slow tempo game.

“If there is one team where GREG SLAUGHTER will fit in—- thats ALASKA. They’re most on slow breaks,” ayon kay Badua.

May nag-tag naman sa ngayong coach ng Alaska na si Jeff Cariaso sa nasabing tweet, at sinabing maging siya ay gusto ring masungkit sa Ginebra ang manlalaro.

“I’d like to think every team in the PBA would want @GWillSlaughter on their team if
given an opportunity. I sure would,” saad ni Cariaso, na dati ring nag-coach sa
Ginebra.

Si Slaughter ang 2013 top overall pick ng Ginebra, nagkamit ng ilang awards tulad ng 2017 PBA Best Player of the Conference at limang beses nagging parte ng All-Star squad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?