46

By

Alaska Aces nakapagbulsa ng twice-to-beat bonus

Sinipa na sa playoff ng Alaska Aces ang Phoenix Fuel Masters, 114-91, sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.

Nakasiguro ang Aces ng twice-to-beat advantage patungo sa quarterfinals.

Sa ika-10 na pagkakataon, binalikat ni Vic Manuel ang Alaska sa tinipong 28 points, 9 rebounds at two steals para tumibay ang tangan nilang 8-3 record at pumangalawa sa standings.

Solidong 18 points, 19 rebounds, 4 assists at 4 blocks naman ang itinala ni Diamon Simpson, na pinalit ng Alaska kay import Antonio Campbell.

Napalobo ng Aces ang abante nila ng 17 points sa first quarter, 34-17, pero nagawang rumagasa ng Phoenix matapos nito.

Nagising ang Alaska sa second half at napamaga ulit ang kanilang lamang hanggang sa 27 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?