47

By

Alaska abangers sa knee injury ni Teng

‘Di natapos ni Jeron Teng ang 105-102 win ng Alaska laban sa Phoenix Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

May 43 seconds na lang at kumakapit ang Aces sa 103-99 lead, bumigay ang kanang tuhod ni Teng nang tumama sa likod ni Fuel Masters center Justin Chua sa isang rebound play.

Mukhang napalakas ang bagsak ng likod ni Chua kay Teng dahil napahiga rin ang third-year forward, namilipit sa sakit habang hawak ang tuhod.

“I hope he’s good. I’m not sure,” ani coach Jeff Cariaso tapos ng panalo na nagtulak sa Alaska sa 4-6 card. “His reaction when he sat down in the bench was hitting the chair next to him. So it doesn’t seem like it’s good, that means he feels something.”

Maganda ang inilalaro ni Teng, malaking bagay sa late push ng Aces sa torneo para humabol sa top eight na uusad sa quarterfinals. kabuhol nila sa 7th-9th ang Columbian Dyip at NorthPort.

Umaasa ang team na ‘di ganun kalala ang injury.

Isa sa mga huling lumabas ng dugout si Teng tapos ng laro, inalalayan palabas. ‘Di na siya nagpa-interview dahil didiretso ng ospital para masuri ang injury. Iika-ika lang siyang naglakad, pero kinaya naman.

“We’re hoping it’s just a hyperextended knee or something,” dagdag ni Cariaso. “We’re hoping it’s nothing bad, that he has to sit out for a long time.”

‘Di nakalaro sa unang limang games ng Aces si Teng dahil sa hamstring injury. Lahat ‘yun, talo ang Alaska, pagbalik ni Teng ay giniyahan ang Aces sa unang panalo.

Kontra Fuel Masters, nagsumite si Teng ng 17 points mula 6 of 13 shooting, 8 rebounds at 4 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?