91

By ,

Alas may ‘DAGDAG’ motibasyon

Sharing is caring!

Todo suporta ngayon si PBA courtside reporter Selina Dagdag sa kanyang boyfriend at NLEX Road Warriors player na si Kevin Alas.

Muling nagtamo ng ACL injury sa kanyang kanang tuhod isang taon matapos nitong uminda ng parehong injury.

Sa social media post ni Dagdag, sinabi nito na kung may pagkakataon ay gusto niyang humati sa sakit na nadarama ni Alas pero wala siyang magagawa rito.

“I’ve seen all your hard work and all your sacrifices. I’ve seen you endure all the difficulties and fight through your insecurities. I’ve seen you hope and dream. I can only imagine how frustrating this situation is…” sabi ni Dagdag.

Nanatili pa ring positibo si Dagdag na malalagpasan ng dating Letran star ang kung ano man ang pinagdadaanan nito.

Nangako naman ito na mananatili ito sa tabi ng kasintahan hanggang sa malagpasan niya ito at muling makabalik at makapaglaro sa hardcourt.

.

“Above all the good things about you, it’s your unwavering faith in Him that moves me the most. He will bless you,” ani nito.

“Love, I know I can’t guarantee you happiness every step of the way; I may not even be enough to cheer you up on your toughest days… but I promise I’ll always be here to sit with you in the dark. I love you always and in all ways.”

Nagpasalamat naman si Alas sa lahat ng nagdasal para sa kanyang agarang paggaling at positibo rin ito na malalagpasan niya rin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?